Tuloy Tuloy ang Pagbibigay ng Tulong para sa Ating mga Kababayan

TINGNAN: TULOY-TULOY ANG PAGBIBIGAY NG TULONG PARA SA ATING MGA KABABAYAN!

Personal na pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang turn over ng relief goods sa lokal na pamahalaan ng Claveria sa lalawigan ng Cagayan, kasabay ang pakikipag usap mismo at kumustahin ang ilan sa ating mga kababayan na lubos na naapektuhan ng hagupit ng Bagyong Ulysses.

Libu-libong relief goods ang nai-turnover ng DOTr, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Claveria Municipal Hall ngayong araw, ika-19 Nobyembre 2020.

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!