Taos pusong Pagpupugay at Pasasalamat sa mga Magigiting at Matatapang na Bayani ang Ating mga Frontliners

Maganda at mapagpalang araw ng Huwebes po sa ating lahat! Kasabay ng ating pagdiriwang ng ika-pitumpu’t walong taong selebrasiyon ng Araw ng Kagitingan ay nais po nating ipahayag ang ating taos pusong pagpupugay at pasasalamat sa mga magigiting at matatapang na bayani-ang mga walang kapagurang frontliners na patuloy na nagsasakripisyo upang mapangalagaan ang kaligtasan, kalusugan at kapakanan ng bawat isa. Dalangin po natin na ang lahat ay mabigyan ng karagdagang lakas, hinahon, pakikiisa at mas matibay na pananalig sa Poong Maykapal nang sa gayon ay sama-sama, tulong-tulong at sabay-sabay nating mapagtagumpayan ang hamon na dala ng COVID-19. Mabuhay po tayong lahat!

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!