PUROK PATROLLERS TRAINING NG PDRRMO, NILAHUKAN NG 159 NA KABATAAN SA CLAVERIA


Nagpasalamat ang 159 Purok Patrollers ng bayan ng Claveria sa isinagawang pagsasanay ng Provincial Government ng Cagayan sa pamumuno ni Governor Manuel Mamba na may kaugnayan sa tamang pamamaraan ng pagsusulat, pangangalap at paglalahad ng balita.
Ayon kay Purok Patroller Charles Lacuesta ng Claveria, malaking karangalan para sa kanya dahil isa siya sa naging kalahok ng naturang pagsasanay.
Aniya magagamit niya ang mga makakalap na impormasyon mula sa pagsasanay para matulungan mga Barangay Officials sa kanilang lugar.
Aniya, malaking tulong din ang kanyang mga natutunan para mas magiging maayos at makabuluhan ang gagawin niyang balita.
Labis din ang galak ni Lacuesta dahil kanyang nasubukan ang pagsusulat at paglalahad ng balita sa harap ng camera kasabay ng isinagawang workshop.
Ipinangako naman ni Lacuesta na kanyang gagawin ang tungkulin bilang purok patroller para maiwasan ang anumang sakuna lalo na sa tuwing panahon ng kalamidad.
Pinangunahan ng MDRRMO Claveria ang naturang pagsasanay at dinaluhan din ng ibang kawani ng LGU Claveria .
Ang Purok Patrollers Training ay inorganisa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni Provincial Administrator Col. Darwin Sacramed para may katuwang ang PGC sa panahon ng kalamidad. (DIGNA BINGAYEN)
📸Cagayan Responders/PDRRMO

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North