PARA SA KAALAMAN NG LAHAT! GCQ GUIDELINES

MGA MAHAHALAGANG PANUNTUNAN NG EXECUTIVE ORDER NO. 19 MAY KAUGNAYAN SA APOR, NON-APOR, PASOK SA ESKWELA, CURFEW AT LIQUOR BAN SA PANAHON NG GCQ.

Sa unti-unting pagtawid Cagayan sa General Community Quarantine (GCQ) simula bukas, May 01, Araw ng Biyernes, narito ang mga mahahalagang panuntunan batay sa itinatakda ng Executive Order No. 19 ni Gov. Manuel Mamba partikular usapin ng liquor ban, curfew, pasok sa eskwela, mass gathering at iba pa.

APOR: Bukod tanging ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang papayagan na makapasok ng provincial boundaries o borders subalit kailangan na nakatugon ito sa Minimum Public Health Standard ng Probinsiya (MPHSP).

Papayagan ang pagbyahe sa bawat bayan sa lalawigan ng mga APOR at mga manggagawa basta ang mga ito ay nakasunod sa MPHSP.

MGA HINDI PINAPAYAGAN NA LUMABAS NG BAHAY: Lahat ng mamamayan na may edad 20-anyod pababa at 60-taong gulang pataas (senior citizens) ay hindi pwedeng lumabas ng bahay habang umiiral ang GCQ.

Maging ang mga buntis, nagpapasusong ina, mga may karamdaman at pre existing medical conditions ay hindi maaring lumabas ng bahay maliban kung emergency situation.

NO CLASSES: Walang pasok sa lahat ng antas kabilang ang graduate schools mapa-publiko o pribadong eskwelahan.

CURFEW: Bawat Local Government Units (LGUs) ay magpatupad ng curfew sa kanilang nasasakupan.

LIQUOR BAN: Mananatiling iiral ang liquor ban sa Cagayan at mahigpit na ipagbabawal ang public consumption ng mga alcoholic beverages.

Mahigpit na ipatutupad sa lahat ng APOR at mga manggagawa na papayagang makapasok ang pagsusuot ng face mask, social distancing, paghuhugas ng kamay, paggamit ng disinfectant at iba pang kaukulang personal protective equipment. (Susan L. Mapa)

Municipality of Claveria, Cagayan

Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!