Para po sa kaalaman ng lahat

Alinsunod sa Executive Order No. 01 Series of 2022 na inilabas ng ating butihing gobernardor, Honorable Manuel N. Mamba at bilang bahagi ng ating pag-iigting at pag-iingat dahil sa muling pagtaas ng bilang ng Covid cases sa iba’t ibang lugar sa bansa kasama na ang lalawigan ng Cagayan, simula po ngayong araw, Enero 10, 2022, ay inaabisuhan po ang publiko na dalhin at ipakita ang inyong VACCINATION CARD at VALID ID sa ating Information Desk Officer pagpasok sa ating munisipyo para sa anumang uri ng transaksyon o gawain na ating lalakarin/gagawin.
Hinihingi po namin ang inyong pakikiisa at pang-unawa. Maraming salamat po at mag-iingat tayong lahat!

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North