Pakammo aggapo Cagayan Provincial Information Office

CVMC TUMATANGGAP NA NG WALK-IN NA MAGPABAKUNA NG COVID-19 VACCINE; COVID-19 PATIENTS SA OSPITAL BUMABA NA NG MAHIGIT 50%
Tumatanggap na ng walk-in na mga indibiduwal na gustong magpabakuna ng Covid-19 vaccine ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.
Sa panayam ng CPIO TeleRadyo, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, CVMC Medical Center Chief, na bukas ang ospital sa mga gustong magpabakuna laban sa Covid-19 matapos payagan ito ng Department of Health (DOH) R02. Aniya, kailangan lamang magdala ng Identification Card o I.D. sa mga gustong magpabakuna.
Ang CVMC na lamang din umano ang magbibigay sa mga LGUs sa listahan ng mg pangalan ng mga nagpabakuna sa ospital.
Kailangan na rin umano kasing samantalahin ang pagkakaroon ng maraming bakuna upang makatulong sa gobyerno sa paglaban sa nakamamatay na virus.
Bukod sa mga walk-in ay binabakunahan na rin ang mga pamilya ng mga empleyado ng CVMC. Sa ngayon ay nasa 97% na rin ang mga nabakunahan sa CVMC at ang natitirang 3% ay ang mga empleyadong buntis at nabakunahan na rin sa ibang mga LGUs.
Samantala, bumaba naman ng mahigit 50% ang bilang ng mga Covid-19 positive patient na kasalukuyang binabantayan ngayon sa CVMC.
Ayon pa rin kay Dr. Baggao mula sa mahigit 300 pasyente noon, ngayon ay mayroon na lamang 81 Covid-19 positive patients. Sa nasabing bilang, ang lungsod ng Tuguegarao ay mayroong 42 confirmed Covid-19 positive; Baggao (6); tig-apat na kaso naman ang bayan ng Gattaran at Iguig; at tig-tatlo sa Amulung, Peñablanca, Enrile; tig-2 sa Alcala, Gonzaga, Lasam, Solana, Sta. Ana at Sto Niño; tig-1 naman sa Allacapan, Aparri, Claveria, Lallo, Sanchez Mira at Sta. Ana habang 18 ay nagmula sa ibang mga probinsiya. (BERNADETH HERALDE)
Source: Dr. Glenn Matthew Baggao

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North