
ONLINE APPLICATION FOR BALIK-CAGAYAN PROVINCIAL BORDER PASS
BASAHING MABUTI ANG PANUNTUNAN:
Bago magsimula sa pag fill-out ng form na ito, kailangang isaalang-alang ang ilan sa mga sumusunod na panuntunan:
a) Ang aplikante ay nagbabalik na residente ng probinsiya, estudyante, local workers, kabilang na dito ang mga “Balik Bayan” na nasa bansa ngayon at may mga kamag-anak sa Cagayan subalit nakansela ang kanilang pagbabalik probinsiya dahil sa quarantine protocols.
b) Kailangang magkaroon ng Gmail Account upang makapasok sa Google Form Application. Dapat ay VALID ang EMAIL ADDRESS dahil dito ipapadala ang inyong BORDER PASS kung aprubado ang inyong aplikasyon.
Maaaring gamitin ang ISANG GMAIL ACCOUNT upang i-apply ang iba pang miyembro ng inyong pamilyang walang Gmail Acount.
c) Siguraduhing mayroon kang ISA (1) sa alin man sa mga sumusunod:
• Government issued ID Card na nakasaad ang iyong tirahan sa probinsiya
• COMELEC/Voter’s ID
• School ID
• Passport
• Billing Statement
• Certification mula sa Barangay na siya ay lehitimong residente ng naturang barangay sa Cagayan
• Statement under oath mula sa miyembro ng pamilya
• (Optional) Test Result (kapag nag undergo ng test) tulad ng Antibody test results at iba pang test na may kinalaman sa COVID 19. (Ang pagkakaroon ng mga ito ay makatutulong sa mas mabilis na pag apruba ng iyong aplikasyon)
d) Kailangang kumuha ng HEALTH CERTIFICATE galing sa lugar na iyong kasalukuyang kinaroroonan bago magpatuloy sa iyong aplikasyon.
e) Siguraduhing TAMA ang impormasyong ibibigay upang hindi makaantala sa pag-apruba ng inyong aplikasyon. Sagutin ang lahat ng hinihiling na datos.
f) Kapag natapos na ang pagsagot sa mga katanungan, hintayin ang confirmation mula sa email na inyong ginamit o sa text message. Ang inyong aplikasyon ay nakadepende sa aksyong gagawin ng inyong uuwiang bayan. Paratihang bisitahin ang inyong Email Account.
g) Ang bayan (kung saan kayo uuwi) ang magdedesisyon sa pag-apruba at paglalagay ng travel period ng inyong aplikasyon.
h) Hintayin ang BORDER PASS na maipapadala sa inyong email at ito ay maaring i-print o i-save sa inyong cellphone at ipakita ito sa mga taong naatasang magbantay sa mga Provincial Border Checkpoints.
*PAALALA: Matapos makuha ang iyong CAGAYAN BORDER PASS, kailangan mo paring kumuha ng TRAVEL PASS. (Antayin ang abiso ng DILG sa proseso sa pagkuha nito)
Maraming Salamat po!
I-CLICK ANG LINK UPANG MAGPATULOY SA APLIKASYON
↓ ↓ ↓ ↓👇👇 ↓ ↓ ↓ ↓
https://forms.gle/MWk9rPMXxvGomyZz7