Nobyembre 20, 2021 ay bumaba sa 15 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng Covid sa bayan

Magandang gabi, Claverianos!
Ngayong araw , Nobyembre 20, 2021 ay bumaba sa 15 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng Covid sa bayan pagkatapos na madagdagan ng apat (4) ang ating recoveries. Samantalang kahapon ay isa ang naidagdag na bagong kaso (taga Barangay Malilitao) at isa rin ang gumaling mula sa virus (taga Barangay Alimoan). Kaugnay nito ay nadagdagan din kahapon ng isa ang ating Covid deaths dahil isang taga Barangay Mabnang ang pumanaw. Dasal at pakikiramay po ang nais nating ipaabot sa pamilya ng pumanaw nating kababayan.
Ibayong pag-iingat pa rin po ang hiling natin sa lahat. Ugaliin po nating sumunod sa lahat ng minimum public health standards. Maraming salamat po!

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North