
Nananatili sa walo (8) ang aktibong kaso ng Covid sa bayan ngayong araw
Magandang gabi, Claverianos!
Nananatili sa walo (8) ang aktibong kaso ng Covid sa bayan ngayong araw matapos na madagdagan nitong nakaraang araw ng tatlong panibagong kaso (1- Centro 4, 1- Centro 6 at 1- Pata West) ang kabuuang bilang. Nadagdagan rin ng isa ang ating Covid deaths- taga Barangay Centro 4.
Pinapaalalahanan ang lahat na palagiang sumunod sa lahat ng minimum public health standards upang hindi na tumaas pa ang kaso. Maraming salamat po at mag-iingat tayong lahat!