Nagkaroon ng Pagpupulong Ngayong Araw ang Ating Municipal Inter-Agency Task Force

Nagkaroon ng pagpupulong ngayong araw ang ating Municipal Inter-Agency Task Force upang pag-usapan, isulong at irekomenda ang unti-unting pagluwag ng mga quarantine/health protocols/requirements lalo na sa mga fully vaccinated individuals sa kadahilanang tuluyan na ang pagbaba ng kaso sa bayan. Inaasahan na agarang ipapasa ang mga rekomendasyon at pagbabago na tinalakay ng MIATF sa ating Sangguniang Bayan upang maamendahan ang kasalukuyang sinusunod na SB Resolution No. 117 S.2021. Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang pagtanggal ng mandatory quarantine para sa mga fully vaccinated individuals, subali’t kakailanganin pa rin ang negative antigen result, ang tuluy-tuloy na pagbabakuna upang makamit ang tinatawag na “herd immunity” at iba pang mga hakbang upang patuloy na mabalanse ang pangangalaga sa kalusugan laban COVID at ang unti- unting pagbubukas at pagbabangon ng ekonomiya. Antabayanan lamang po natin ang ilalabas na bago at approved guidelines ng ating MIATF at Sangguniang Bayan sa mga susunod na araw. Maraming salamat po at mag-iingat tayong lahat! 🤗

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North