
Nabigyan ng tig-tatlong (3) biik na aalagaan ang 15 na hog raisers sa bayan ng Claveria
Bilang benepisyaryo ng Calibrated Swine Repopulation Program ng Department of Agriculture (DA) Region 2. Kabilang rin sa mga naipamahagi ang tatlong (3) klase ng feeds sa mga hog raisers.
Ginanap ang distribusyon sa Cagayan Animal Breeding Center and Agri-eco Tourism Park sa Zitanga, Ballesteros, Cagayan kahapon, March 22, 2023.
Sinabi ni Dr. Myka Ponce na ang nasabing bilang ng hog raisers ay nabigyan rin ng tatlong klase ng feeds. Bawat biik umano ay mayroong tig-isang (1) bag ng starter feeds at tig-dalawang (2) bags ng grower at finisher.
Ang pamamahagi ng mga biik ay tugon ng DA sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever o ASF na nagsimulang umatake noong 2020.
Sa ngayon ay wala ng naitalang kaso ng ASF sa ating bayan.