LIMANG (5) PANIBAGONG KASO NG COVID-19 SA CAGAYAN, NAITALA

CLAVERIA AT BUGUEY CAGAYAN, NAGKAROON NA NG KAUNA-UNAHANG KASO NG VIRUS

Naitala ang limang (5) panibagong kaso ng COVID-19 sa Cagayan ngayong Miyerkules, ika-2 ng Setyembre.

Sa datos ng Provincial Health Office (PHO), ang pinaka-unang kaso ng COVID-19 sa Claveria ay si CV 819 na 22 taong gulang na binata ng Taggat Sur. Siya ay Locally Stranded Individual (LSI) mula sa Parañaque City, Manila na nakarating sa Claveria noong August 29.

Nagpositibo ito ngayon sa virus matapos sumailalim sa swab test kahapon. Dahil sa siya ay asymptomatic o walang sintomas ng sakit ay nasa isolation unit ng Lokal na Pamahalaan ng Claveria.

Ang binansagang CV 831 ay labing tatlong (13) taong gulang na binatilyo ng Malanao, Lal-lo. Isang LSI na mula sa Taytay, Rizal at dumating siya sa Cagayan noong August 31. Nasa quarantine facility ng Barangay Malanao ang nasabing indibidwal.

Kabilang sa nagpositibo si CV 828, 41 anyos na lalaki, may asawa at taga-Zone 7 Tallang, Baggao. Nagkaroon ng pakikisalamuha at nahawa sa asawa nito na si CV 749 na isang LSI mula Quezon City.

Naka-home quarantine si CV 828 sa kabila na nagkaroon ng sintomas na sipon at ang ibang karamdaman na cancer.

Si CV 829 ay 24 anyos na dalaga, residente ng Zone 1 San Miguel, Baggao, Cagayan. LSI ito mula sa Cavite at nakarating noong August 30. Nagkaroon siya ng sintomas tulad ng sipon at sore throat. Sa ngayon ay nasa quarantine facility ito ng Baggao.

Dagdag pa dito ang kauna-unahang kaso ng Covid-19 sa Buguey, Cagayan na isa ring LSI. Ito ay si CV 838, 54 taong gulang na lalaki, may asawa at residente ng Zone 6, Maddalero, Buguey. Dumating sa bayan nito noong August 27 mula Quezon City na sakay ng isang pribadong sasakyan.

Naka-kwarantina ito sa Crab Hotel sa Buguey matapos magpositibo sa sakit ngayong araw.

Samantala, ang mga bagong kaso ngayon ay nagdala sa 85 active cases ng COVID-19 sa Cagayan.

(Susan L. Mapa)

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North