LABINGPITONG KASO NG DELTA VARIANT, MULING NAITALA SA LAMBAK NG CAGAYAN


LABINGPITONG KASO NG DELTA VARIANT, MULING NAITALA SA LAMBAK NG CAGAYAN
6 Setyembre 2021
Sa muling paglabas ng Biosurveillance Report ng Department of Health (DOH) Central Office, University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), nakapagtala ng 279 na kaso ng Delta Variant, 29 na kaso ng Alpha Variant, 28 kaso ng Beta variant at 13 na kaso ng P.3 Variant o ang variant na mula sa Pilipinas. Mayroong 367 na samples ang naisumite upang ma-sequence noong ika-3 ng Setyembre. Mula sa 279 na bagong kaso ng Delta Variant, labing pito (17) ay mula sa Rehiyon Dos.
Ayon sa report na natanggap ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) mula sa Epidemiology Bureau (EB) ng Department of Health (DOH) Central Office, ang mga sumusunod na probinsya ay apektado ng naturang variant. Mayroong anim na kaso mula sa probinsya ng Isabela na nagmula sa Aurora (1), San Agustin (1) Jones (2) at Santiago (2). Nakapagtala naman ng tatlong bagong kaso sa Cagayan na nagmula sa Solana (1) at Tuguegarao (2). Muli ring nagkaroon ng Delta Variant sa Nueva Vizcaya na may limang kaso at ang mga apektadong munisipalidad ay Bambang (3), Quezon (1) at Bagabag (1). Pang huli ay sa Probinsya ng Quirino na may tatlong bagong kaso na lahat ay nagmula sa bayan ng Diffun.
Ang mga kasong nabanggit ay purong local cases at lahat ay tagged as fully recovered o gumaling na sa sakit. Patuloy ang agresibong contact tracing na kasalukuyang isinasagawa ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa pamamagitan ng kanilang Special Action Team (SAT). Muling magbibigay ng karagdagang impormasyon ang aming tanggapan kung kinakailangan.
Ang Kagawaran ng Kalusugan ay muling nagpapa-alalang panatilihin ang Minimum Public Health Standards (MPHS). Epektibo ang tamang pag-suot ng face mask at face shield. Magsuot din ng mask sa bahay kung may kasama tayong matanda o yung mga may sakit at siguraduhing maganda ang daloy ng hangin sa bahay at opisina. Dagdag na proteksyon din ang bakuna, take it when it’s your turn at makipag-ugnayan sa inyong LGU tungkol sa proseso ng pagpapalista. Sa panahon na ikaw ay tatanggap na nang bakuna o nasa vaccination site, isagawa ang B.I.D.A. solusyon Plus.

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North