Kinumpirma ni Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina III ang unang dalawang kaso ng Omicron COVID-19 variant sa probinsiya ng Cagayan

Kinumpirma ni Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina III ang unang dalawang kaso ng Omicron COVID-19 variant sa probinsiya ng Cagayan ngayong Martes, Enero 18, 2021.
Ayon kay Dr. Cortina ang isa sa mga tinamaan ng Omicron ay mula sa Cato, Tuao, Cagayan na may travel history sa Metro Manila habang ang isa naman ay mula sa Caggay, Tuguegarao City, Cagayan.
Kasalukuyan pang inaalam sa Department of Health (DOH) ang karagdagang impormasyon ng dalawa ngunit sinabi ni Dr. Cortina na sila ay clinically recovered na.
Na-detect ang mga ito mula sa mga samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center nitong buwan ng Disyembre.

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North