Ipinagpapasalamat po Natin Ang Tuluy-tuloy na Pagdating ng Bakuna at Vaccination Roll-out sa Bayan

Magandang hapon po!
Ipinagpapasalamat po natin ang tuluy-tuloy na pagdating ng bakuna at vaccination roll-out sa bayan. Malugod din po nating ipinapapaalam na ayon sa ating butihing Municipal Health Officer, Dra. Milrose Tangonan, batay sa pagpupulong na isinagawa ng ating MIATF noong Martes , na sa mga susunod na araw ay magtatalaga/magiiskedyul ang ating Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng ating RHU ng 472 na indibidwal/ slots kada araw (Lunes hanggang Biyernes). Layunin ng programang ito na mapabilis ang pagbabakuna hanggang katapusan ng Disyembre upang makamit ang hangarin na mabakunahan ang tinatayang 70 percent ng kabuuang populasyon na eligible for vaccine na siyang magiging daan para sa tinatawag na “herd immunity”. Bilang paghahanda ay inaasahang magdaragdag ng staff ang Lokal na Pamahalaan upang tumulong sa ating mga health personnel sa pagroll-out ng bakuna.
Dahil dito, inaanyayahan natin ang mga hindi pa nababakunahan na makikoordina at magpalista na sa kanilang mga Barangay upang maisama sa listahan.
Idawat mi ngarud, Kalugaran ti pannakaawat ken panaguray yo iti batang yo. Mabakunaan tayo amin ta adu ti supply ti bakuna a sumangpet iti sumarsaruno nga aldaw. Iyanos tay laeng ti aguray. Dios ti agngina ken agan annad tay amin! ❤️
#Resbakuna #Bidaangmaybakuna #Kayapagsamasama

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North