Free-movie viewing at Meal Treat | November 21, 2022

Panibagong grupo na naman ng mga senior citizens ang nabigyan ng kasiyahan at libangan ngayong araw para sa programang free-movie viewing at meal treat ng butihing alkalde ng bayan, Mayor Lucille Angelus Guillen-Yapo sa Robinson’s Ilocos Norte.
Bakas ang ngiti sa mga labi ng mga Lolo at Lola na dumalo sa nasabing aktibidad at pasasalamat ang kanilang binigkas kay Mayor Yapo.
Layunin ng programang ito na maipadama ang pagpapahalaga, pagmamahal at pagkilala sa malaki at hindi mapapantayang kontribusyon ng mga senior citizens sa pamilya maging sa buong komunidad.

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North