Free-movie viewing at meal treat (Jollibee and McDonald’s) para sa mga Senior Citizens

Muling umarangkada ang pagpapatuloy ng free-movie viewing at meal treat (Jollibee and McDonald’s) para sa mga Senior Citizens ngayong araw.
Personal na sinamahan ni Mayor Lucille Angelus Guillen-Yapo at ng MSWD kasama ang mga Child Development Workers ang mga senior citizens sa lahat ng barangay sa bayan ng Claveria sa Robinson’s Ilocos Norte.
Layunin ng programang ito na maipadama ang malasakit, pagmamahal at pag-aalaga sa mga minamahal na mga Lolo at Lola sa pamamagitan ng pagbibigay ng libangan, pahinga at kasiyahan sa kanila.
Ang programang ito ay inisyatibo ng butihing alkalde.
Dahil sa labis na pagmamahal sa sektor ng senior citizens, marami pang iba’t-ibang magagandang programa ang ilulunsad ng butihing alkalde katulong ang opisina ng MSWD para makatulong, mapagaan, mapasaya at makapagbigay ng tinatawag na “meaningful aging” sa mga ito.
Bukas ay panibagong pangkat na naman ng senior citizens mula sa 41 barangays ang dadalo sa nasabing programa.

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North