Free Burial Assistance Grant

Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Claveria sa pamamagitan ng inisyatibo at kagustuhan ng Butihing Alkalde ng Bayan Hon. Lucille Angelus Guillen-Yapo ay patuloy na naglulunsad ng iba’t-ibang programa na naglalayon na makatulong sa mga higit na nangangailangan.
Ngayong araw, sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office kasama na rin ang Ramos Funeral Services at Vinagrera Funeral Homes, personal na iniabot ni Mayor Yapo ang free burial assistance grant sa pitong (kwalipikadong) pamilya.
Kasabay sa paghatid ng pakikiramay ng alkalde sa mga naiwang pamilya ay ang pagtiyak niya sa pagbibigay ng taos-puso, tuluy-tuloy at dekalidad ma serbisyo sa lahat ng Claverianos.

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North