Educational assistance grant

Upang higit na maipakita at mapagtibay ang suporta sa sektor ng edukasyon, muling namahagi ng tulong pinansyal (educational assistance grant) ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Claveria sa pamumuno ni Mayor Lucille Angelus Guillen-Yapo, Bise Mayor Fredelino Agpuldo at SB members para sa lahat ng kwalipikadong highschool at college students.
Ang educational assistance grant ay isang regular na programa ng Lokal na Gobierno na naglalayon na matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang gastusin sa paaralan kagaya ng tuition fees, miscellaneous fees, school supplies, transportation expenses at iba pa.

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North