Claveria Covid-19 Update as of September 26, 2021

Magandang gabi, Claverianos!

Wala pong naitalang bagong kaso kaya bahagya pong bumaba sa 94 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng Covid sa bayan ngayong araw ng Linggo, Setyembre 26,2021.
Kaugnay nito ay nadagdagan ang ating recoveries ng anim at ang covid deaths natin ng isa galing sa Barangay Centro 5. Nais po nating ipaabot ang ating panalangin at pakikiramay sa pamilya ng pumanaw nating kapatid.
Muli po naming pinapaalala ang kahalagahan ng mahigpit na pagsunod sa lahat ng health protocols at ang pamamalagi sa loob ng ating mga tahanan. Lumabas lamang po tayo para sa mahahalagang bagay.
Maraming salamat po at mag-iingat tayong lahat!

 

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North