Covid-19 Update As of July 31, 2021


Isang mapagpalang gabi sa ating lahat!
Nais po nating ipaalam na pagkatapos ng isinagawa nating mass testing na siyang naging dahilan ng paglobo ng ating kaso na umakyat hanggang 292 ay muli itong bumaba ngayong araw ng Sabado, Hulyo 31,2021. Naitala ang 49 na bilang ng nakarekober mula sa virus kung kaya’t bumaba na lamang sa 108 ang ating active cases.
Batay sa datos ng ating MIATF at Municipal Health Office ay magpapatuloy ang pagbaba ng kaso dahil inaasahang sa mga susunod na araw ay makakarekober na rin ang iba pang mga pasyente.
Gayunpaman, may dalawa ring naitalang bagong kaso kaya hinikayat namin ang pakikipagtulungan ng lahat upang makamit nating muli ang Covid-Free Claveria.
Ugaliing sumunod sa lahat ng ating health protocols at iwasan na muna ang mga matataong lugar maging ang paglabas sa ating mga tahanan para sa mga hindi importanteng bagay. Maraming salamat po at mag iingat tayong lahat!
#KAYAKUNGSAMASAMA #WEHEALASONE

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North