Claveria Covid-19 Update as of September 21, 2021

COVID UPDATE

Ngayong araw ng Martes, Setyembre 21,2021 ay nakapagtala tayo ng 21 panibagong kaso at 34 na recoveries kaya bahagyang bumaba ang aktibong kaso sa 105. Bagama’t bumaba ito ay malaki pa rin ang 21 na bagong kasong naidagdag kung kaya’t nais po naming ipaalala ang kahalagahan ng pagsunod sa lahat ng ating health protocols. Iwasan po natin ang matataong lugar maging ang mga hindi mahahalagang pagtitipon para maiwasan ang pagkalat ng Covid. Kapag may naramdamang kahit na anong sintomas ay agad na makipag-ugnayan sa BHERTs o di kaya’y sa RHU. Maraming salamat po at mag-iingat tayo palagi!

#stayathome

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North