Claveria Covid-19 Update as of September 1, 2021


Ngayong unang araw ng Setyembre ay nakapagtala po ang bayan ng malaking bilang ng panibagong kaso ng nagpositibo sa Covid (28 na bagong kaso) at tatlong (3) recoveries.
Sa mga nakaraang araw ay naitala ang mabilis na pag-akyat ng naturang bilang kung kaya’t sa kabuuan ay mayroon na tayong 88 na aktibong kaso. Ang ganitong trend ng pagtaas ay hindi lamang sa bayan kundi sa karamihan ng lugar sa lalawigan ng Cagayan.
Mga APOR ang karamihan sa nagpopositibo kung kaya’t inaabisuhan ang lahat na mahigpit na sumunod sa health protocols at social distancing, wastong pagsusuot ng facemask at faceshield, maghugas at magsanitize ng mga kamay at iwasan na muna ang mga unnecessary gatherings.
Inuulit po namin, manatili po tayo sa loob ng ating mga tahanan dahil lubhang mabilis ang pagkalat ng virus ngayon.
Let us be healthy and safe, Kalugaran! Maraming salamat po.

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North