Claveria Covid-19 Update as of October 15, 2021


Magandang gabi, Claverianos!
Muli na naman pong bumaba sa 57 ang aktibong kaso ng Covid sa bayan matapos makapagtala ngayong araw ng siyam (9) na recoveries at isang (1) bagong kaso.
Ipinagpapasalamat po natin ang unti-unting pagbaba ng bilang subalit hinihingi pa rin po natin ang palagian at mahigpit na pagsunod sa lahat ng health protocols upang hindi na muling tumaas pa ang aktibong kaso.
Pagtutulungan at pagkakaiisa nawa ang maghari sa ating lahat!
Maraming salamat po at mag-iingat po tayo

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North