
Claveria Covid-19 Update as of November 27, 2021
Magandang Gabi, Claverianos!
Sa kasalukuyan ay labindalawa (12) na lamang po ang aktibong kaso ng Covid sa bayan matapos makapagtala ngayong araw ng isang panibagong kaso at dalawang recoveries. Pitong barangay na lamang sa bayan ang may aktibong kaso.
Samantalang kahapon ay isang bagong kaso ang naitala (re-infection na taga Barangay Centro 😎 at tatlo naman ang gumaling mula sa virus.
Ibayong pag-iingat pa rin po ang hiling namin sa lahat. Ugaliin po nating sumunod sa minimum public health standards upang tuluyang maibaba ang bilang. Maraming salamat po! 🤗