
Claveria Covid-19 Update as of November 14, 2021
Magandang gabi, Claverianos!
Sa kabuuan ay mayroon na lamang tayong 18 na aktibong kaso ng Covid sa bayan matapos madagdagan noong Nobyembre 12 ng apat (4) na panibagong kaso ( Pata East-1, Union-1, Magdalena-1 at Centro 8-1 ) at 2 recoveries samantalang kahapon ay wala pong naitalang bagong kaso at dalawa (2) naman ang gumaling mula sa sakit.
Ngayong araw, isang panibagong kaso lamang ang naidagdag at walang naitalang bagong recoveries.
Sa unti-unting pagluwag ng mga protocols sa probinsya, hinihingi pa rin po namin ang mahigpit na pagsunod sa mga minimum public health standards upang hindi na tumaas pa ang bilang. Maraming salamat po at mag-iingat tayong lahat!