Claveria Covid-19 Update as of January 20, 2022

Magandang gabi po!
Muling tumaas sa 53 ang bilang ng aktibong kaso ng Covid sa bayan matapos na makapagtala ngayong araw ng 15 panibagong kaso at 6 na recoveries.
Kahapon ay nakapagtala rin tayo ng 2 bagong kaso (Centro 1- 1 at Centro 5- 1) at 1 recovery (Dibalio).
Mabilis po ang pagtaas ng bilang kaya hinihiling po namin ang ibayong pag-iingat sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum public health standards at agarang pag-isolate at pag-report sa Bherts at RHU kung may maramdamang kahit na anong sintomas upang hindi na makahawa pa. Maraming salamat po!

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North