Claveria Covid-19 Update as of January 12, 2022

COVID UPDATE
Ikinalulungkot po nating ipaalam na ngayong araw lamang ay muli po tayong nakapagtala ng karagdagang sampung (10) panibagong kaso ng Covid, dagdag pa nito ay dalawa rin ang naidagdag noong nakaraang araw kung kaya’t sa kabuuan ay mayroon na tayong 16 na aktibong kaso ng Covid sa bayan.
Mabilis na naman po ang pagtaas ng bilang kung kaya’t lubha po naming hinihikayat ang lahat na sumunod/obserbahin ang lahat ng minimum public health standards gayundin ang agarang pag-isolate kapag may naramdamang anumang sintomas upang hindi na makahawa. Atin pong pag-igtingin ang ating pag-iingat, Kalugaran. Maraming salamat po!

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North