Claveria Covid-19 Update as of August 31, 2021


Magandang gabi po!
Ngayong araw ng Martes, Agosto 31,2021 ay bahagyang bumaba ang kabuuang kaso ng Covid sa bayan matapos makarekober sa nasabing virus ang sampung (10) katao. Kaugnay nito ay ikinalulungkot po nating ipaalam na muling nadagdagan ang ating Covid deaths ng isa ngayong araw, siya ay taga Barangay Taggat Sur. Mayroon rin po tayong tatlong panibagong kaso kung kaya’t nasa 63 na ang aktibong kaso natin.
Dahil dito ay lubos na pinapaalalahanan ang lahat na mahigpit na sumunod sa health protocols at lumabas lamang po tayo kung sadyang mahalaga ang ating gagawin gayundin na agad na magreport sa Barangay o di kaya’y sa RHU kung makaramdam ng kahit na anong sintomas at agarang mag -isolate. Doble ingat po tayo, mabilis ang pagkalat ng virus! Maraming salamat po.

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North