
Claveria Covid-19 Update as of August 29, 2021
Ngayong araw ng Linggo, Agosto 29,2021 ay muli pong umakyat sa 71 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso sa bayan pagkatapos itong madagdagan ng walong (8) bagong kaso.
Wala namang naitalang bagong recovery at death.
Tuluy-tuloy po ang pag akyat ng kaso kaya inaabisuhan ang lahat na mahigpit na sumunod sa lahat ng mga health protocols at iwasan na muna ang paglabas sa ating mga tahanan. Mabilis po ang pagkalat ng virus.
Maibababa lamang natin ang bilang kung ang lahat ay makikiiisa. Maraming salamat at mag-iingat tayong lahat!