Claveria Covid-19 Update as of August 24, 2021


Ikinalulungkot po nating ipaalam na kahapon, Agosto 24, 2021 ay nakapagtala po tayo ng 19 na panibagong kaso at 2 recoveries kaya sa kabuuan ay mayroon na tayong 40 aktibong kaso sa bayan.
Dahil dito, hinihingi po namin ang paghihigpit ng ating mga barangays sa kanilang mga nasasakupan upang maiwasan ang posibleng paglaki pa ng kaso.
Sa ating mga kababayan, ipinapakiusap po natin ang kooperasyon ng bawat isa, lumabas lamang po tayo para sa mga mahahalagang bagay. Gayundin, kapag may nararanasang kahit na anong sintomas ay agad na kumonsulta sa RHU o sa BHERTs at agaran nang mag self isolate.
Huwag po tayong maging kampante, sumunod po tayo sa ating mga health protocols. Let us be healthy and safe!
Maraming salamat po at ibayong pag-iingat para sa lahat!

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North