
Claveria Covid-19 Update as of August 19, 2021
Ngayong araw ng Huwebes, Agosto 19,2021 ay nakapagtala po tayo ng dalawang recoveries kung kayat bumaba po sa 28 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso sa bayan.
Gayunpaman, ikinalulungkot po nating ipaalam na isa po sa ating covid positive na senior citizen mula sa Barangay Taggat Norte ang pumanaw.
Hinihingi po natin ang kooperasyon at pakikipagtulungan ng lahat upang hindi na madagdagan ang kaso maging ang casualties.
Mag-iingat po tayong lahat. Maraming salamat po!