
Claveria Covid-19 Update as of August 17, 2021
Umakyat sa 27 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso sa bayan ngayong araw ng Martes, Agosto 17, 2021 matapos na makapagtala ng walong panibagong kaso at madagdagan ng dalawang bagong recoveries ang naturang bilang.
Dahil sa walong bagong kaso ay ipinapaalala namin ang kahalagan ng palagiang pagsunod sa ating health protocols (paghuhugas at pagsasanitize ng mga kamay, pagsusuot ng facemask at faceshield at pagkakaroon ng social distancing), paglabas sa mga tahanan para sa mahahalagang bagay lamang at pag-iwas sa mga tinatawag na “unnecessary gatherings.
Mamalagi tayo sa loob ng ating mga tahanan at palakasin ang ating resistensya at pangangatawan.
Maraming salamat po at mag-iingat tayo palagi, Claverianos!