Cagayan Valley Medical Center Tuguegarao City para sa kanilang hospitalization bills, gamot, at iba pang medical needs

Magandang balita, Kalugaran!
Ang Lokal na Pamahalaan ng Claveria sa pamumuno ng butihing Punong Ehekutibo Hon. Lucille Angelus Guillen-Yapo ay muli na namang nakapagdeposito ng trust fund sa halagang P1,500,000.00 na nakalaang gamitin ng mga Claverianos sa Cagayan Valley Medical Center Tuguegarao City para sa kanilang hospitalization bills, gamot, at iba pang medical needs.
Dahil sa hangarin ni Mayor Yapo na makatulong lalo na sa mga lubos na nangangailangan, tatlong pagamutan na ngayon ang napapanakinabangang puntahan ng ating mga kababayan (Far North Luzon General Hospital, Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center at Cagayan Valley Medical Center).
Isa ang sektor ng kalusugan sa mga prayoridad na programa ng kasalukuyang administrasyon kaakibat ang pagbibigay ng nararapat at dekalidad na serbisyo para sa lahat ng Claveriano.

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North