CAGAYAN, SASAILALIM PA RIN SA GCQ HANGGANG JUNE 15

Batay pa rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay sasailalim ang lalawigan ng Cagayan sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang June 15, 2020.

Kabilang din ang Batanes, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya sa GCQ. Ang pangalawang yugto ng GCQ sa Rehiyon Dos ay magtatapos sa May 31, 2020.

Batay sa inilabas na Resolution No. 40 ng IATF ay nakasaad pa rin ang mga panuntunan at protocols kaugnay sa banta COVID-19 pandemic sa bansa. Ipapatupad pa rin sa mga lugar na nasa GCQ ang pagbabawal na paglabas ng mga nasa edad 20 pababa at 60 pataas. Kamakailan lamang ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi pa maaring pumasok ang mga estudyante hanggang wala pang bakuna sa virus.

Mahigpit pa rin na ipatutupad ang 50% na bilang ng mga papasok o magtratrabaho sa iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang protocols na social distancing, paggamit ng face mask at pag-obserba ng disinfection sa mga lugar, bagay na maaring kapitan ng virus at mga paraan na makontrol ang virus mula sa isang tao.

Sa transportasyon ay dapat pa ring sumunod sa mga panuntunan tulad ng pagbabawal ng backriding; limitadong pasahero para mapanatili ang social distancing, paggamit ng face mask ng pasahero at driver; at ang limitadong pagbiyahe ng mga sasakyan pribado man o pampubliko alinsunod pa rin sa health protocols.

Samantala, irekomenda sa panibagong alituntunin mula sa sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga stranded Overseas Filipino Workers (OFWs). Partikular dito ang Department of Transportation (DOTr) na maglaan ng mga bus upang may magamit na trasportasyon sa koordinasyon naman ng OWWA at Department of Tourism.

Magbibigay rin ng kautusan ang DILG sa mga LGUs na tanggapin ang OFWs na may negatibont resulta ng PCR test na uuwi sa kanilang mga bayan. (Susan Lomibao Mapa)

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!