
CAGAYAN, BATANES, ISABELA AT QUIRINO, MANANATILING NASA ILALIM NG ALERT LEVEL 1 HANGGANG MARSO-31
CAGAYAN, BATANES, ISABELA AT QUIRINO, MANANATILING NASA ILALIM NG ALERT LEVEL 1 HANGGANG MARSO-31
Muling isinailalim sa Alert Level 1 ang Cagayan, Batanes, Quirino at Isabela kabilang ang Lungsod ng Santiago hanggang Marso-31.
Kabilang din sa inilagay pa rin sa kahalintulad na alert level ay ang NCR at 43 iba pang lugar sa buong bansa.
Ito ay batay sa inilabas na resolusyon ng Inter Agency Task Force o IATF ngayong araw ng Martes, Marso-15.
Narito ang talaan ng mga lugar na muling inilagay sa Alert Level 1 status:
Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City at Kalinga;
Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan;
Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac and Zambales;
Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna at Lucena City;
Region IV-B: Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon; at
Region V: Naga City at Catanduanes.
Samantala, para sa Visayas, ang mga sumusunod na lugar ay sasailalim sa Alert Level 1:
Region VI: Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras at Iloilo City;
Region VII: Cebu City at Siquijor; at
Region VIII: Biliran, Ormoc City at Tacloban City.
Panghuli, para sa Mindanao, ang mga sumusunod na lugar ay sasailalim sa Alert Level 1:
Rehiyon IX: Zamboanga City;
Rehiyon X: Cagayan de Oro City at Camiguin;
Rehiyon XI: Davao City; at
CARAGA: Butuan City.
Ang mga lugar naman na wala sa nabanggit na listahan ay sasailalim sa Alert Level 2 simula Marso 16, 2022 hanggang Marso 31, 2022.