
Bumaba sa 20 Ang Bilang ng Aktibong Kaso sa Bayan
Magandang gabi, Claverianos!
Bumaba sa 20 ang bilang ng aktibong kaso sa bayan matapos na maitala ang dalawang recoveries kahapon mula sa Barangay Centro 6 at dalawa rin ngayong araw (isa sa Brgy Centro 6 at isa sa Brgy Lablabig). Ipinagpapasalamat rin natin na walang naidagdag na bagong kaso simula kahapon.
Ibayong pag-iingat pa rin po ang hiling namin sa lahat. Ugaliin po nating sumunod sa mga minimum public health standards upang hindi na madagdagan pa ang bilang. Maraming salamat po! 🤗