
Breaking News Alert Level 3 Cagayan
BREAKING NEWS | Inanunsyo ngayong gabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa public briefing kasama si Pangulong Duterte ang mga lugar na isasailalim sa Alert Level 3 status dahil sa banta parin ng Covid 19.
Isa ang probinsya ng Cagayan sa mga isasailalim sa Alert Level 3 dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa naturang sakit.
Kabilang sa mga isasailalim din sa Alert Level 3 status na magsisimula sa Enero 9 hanggang Enero 15, 2022 ay ang Dagupan City, City of Santiago, Olongapo City, Angeles City, Bataan, Pampanga, Zambales, Naga City, Iloilo City, Lapu-Lapu City, Batangas, Lucena City, at Baguio City.
Sa ilalim ng alert level 3, mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod:
-Face to face classes(Basic Education)
-Peryahan, playground, playroom, kiddie rides
-Mga venue na may live voice at wind instruments tulad ng Karaoke Bars, Concert Halls, Teatro at mga Bars
-Casino, Karera ng Kabayo, Betting Shops, Sabungan. Maliban na lamang sa mga pinayagan ng Office of the President
-Bawal na rin tumanggap ng bisita o magkaroon ng salu-salo ang hindi magkakasama sa isang bahay.
Pinapayagan naman sa Alert level 3 ang Interzonal at Intrazonal Travel. Subalit muli umanong titingnan ng IATF kung kailangang baguhin ang guidelines dahil mas mataas na ang vaccination rate.
Samantala papayagan naman ng may maximum na 30% indoor venue capacity para sa mga fully vaccinated at 50% outdoor venue capacity ang operasyon ng mga sumusunod na establisyimento sa mga lugar na nakasailim sa alert level 3:
-Mga venue sa tinatawag na MICE o Meetings Incentives , Conferences at Exhibitions.
-Mga Venue para sa social Events
-Tourists Attractions
-Amusement Parks
-Recreational Venues
-Mga sinehan
-Limitadong face to face classes para sa Higher Education at Tech-voc Education and Training
-Religious gatherings
-Licensure exams
-Dine-in services
-Personal care services
-Fitness studios at non contact sports
-Film, Music at TV productions
Sa ilalim naman umano ng mga patakaran ng IATf, pinapayagan ang dagdag na operating capacity sa mga lugar na mataas na ang vaccination rate pati sa mga establisyimento na mayroon ng safety seal.