
BAWAT BARANGAY SA CLAVERIA AT APARRI, NABIGYAN NG P100,000 NA AYUDA MULA SA PGC
Nagsadya mismo ang Provincial Government of Cagayan (PGC) sa bayan ng Claveria at Aparri upang ibahagi ang tulong pinansyal na P100,000 para sa bawat barangay ng Claveria at Aparri kahapon, araw ng Huwebes, ika-15 ng
Ang pagbaba ng financial assistance ay pinangunahan ng ilang mga opisina ng PGC gaya ng Provincial Health Office, Provincial Treasurer’s Office (PTO), Provincial Planning and Development Office (PPDO), Provincial Office for People Empowerment (POPE) at Provincial Information Office (CPIO).
Ayon kay Dr. Carlos Cortina III, layon ng pamamahagi ng ayuda na matulungan ang mga bayan na may mga matataas na kaso ng COVID-19. Ilalaan ang naturang halaga para sa operasyon ng isolation facility sa mga barangay.
Sakaling mayroong barangay isolation na sa lugar ay gagamitin ang pondo para sa operasyon nito partikular sa mga pangangailangan ng mga nagpopositibo sa COVID-19 virus sa lugar.
Kabilang rin dito ang maintenance ng isolation units sakaling magamit ito ng mga pasyente at re-enforcement ng barangay.
Titiyakin naman ng POPE at PPDO na magagamit sa tama ang nasabing pondo dahil mismong ang Barangay Kapitan at Treasurer ang tumanggap ng tseke.
Sinabi naman ni Mila Mallonga, ang Provincial Treasurer na sa 41 barangay sa Claveria ay umaabot sa P4.1 milyon na halaga ang naibahagi dito ng PGC habang sa bayan ng Aparri ay 39 na mga barangay.
Nasa P3.9 milyon ang naibaba dito maliban sa tatlong (3) barangay ang hindi nakatanggap dahil sa walang nakarating na mga opisyal dito bunsod ng may kalayuan ngunit ibibigay parin ang pondo sa mga darating na araw. Ito ay ang barangay ng Fugu, Zinarag at Bulala Norte ng Aparri.
Matatandaan na ang ibang bayan ay isinasabay ang pagbaba ng kaparehong pondo sa OplanTulong sa Barangay ng Pamahalaang Panlalawigan. Ang Oplan Tulong sa Barangay ay isang hakbang ng PGC upang maipaabot ang iba’t ibang tulong na nakapaloob sa programa ni Governor Manuel N. Mamba na No Barangay Left Behind (NBLB) program.
(SUSAN L. MAPA)
📸Kevin Paul Tuddao