BALIK CAGAYAN ADVISORY # 3

MAGANDANG BALITA!

Ipinapalam po sa lahat ang mga sumusunod na BAGONG panuntunan:

1. Hindi na kailangang ang BORDER PASS sa mga magbibyaheng MAYROONG SARILING SASAKYAN subalit kailangan parin kumuha mga papeles na hinihingi ng RIATF/DILG:

a) MEDICAL/HEALTH CERTIFICATE mula City/Municipal Health Office sa panggagalingang LGU. Makipag-ugnayan lamang sa inyong Barangay at sila ang mag-aassist sa inyo upang makakuha nito.

b) TRAVEL AUTHORITY mula sa Police Station sa panggagalingang LGU. Makipag-ugnayan sa Help Desk sa Police Stations upang sila ang magproproseso ng inyong Travel Authority.

2. Ang BORDER PASS ay kakailanganin ng mga nag-request ng sasakyan dahil ito ang magsisilbing “ticket” upang makasakay pauwi ng Cagayan. Siguraduhing nakapag-apply na kayo sa Online Application Form na nasa CPIO at Balik Cagayan Program Facebook Page.

3. Magtatalaga ang Provincial Government ng mga Bus na susundo mula Metro Manila hanggang Tuguegarao. Ang schedule ng pag-travel ay isasaayos ng Provincial Government sa pakikipag-ugnayan sa inyo at sa inyong LGU. Ipapaalam sa inyo ang schedule ng pagbyahe kapag naiayos na ang lahat ng kakailanganin. Kung nais ninyong makasama sa mga uuwi gamit ang Bus ng Provincial Government, kailangang siguraduhing nasa pick-up points (terminal) kayo sa itinalagang schedule ng pag-alis pabalik ng Cagayan.

4. Ang Provincial Government ang makikipag-ugnayan sa Joint Task Force Covid Shield sa mga TRAVEL AUTHORITY ng mga sasakay pauwi gamit ang Bus na itinalaga ng Provincial Government. Ipapada ang TRAVEL AUTHORITY kasama ng BORDER PASS sa inyong Email.

5. Sa mga nais sumabay papuntang Manila (terminal) gamit ang mga Bus na magsusundo mula Tuguegarao City. Ang drop point ay sa bus terminal lamang sa Manila. Maaring makipag-ugnayan po sa TWG Hotline.

https://docs.google.com/…/1FAIpQLScUYSz_HC8ZZu7Gah…/viewform

Globe 09774491544
09774494507
Smart 09615496939

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North