ANTAS NG VACCINE ROLLOUT SA MGA BAYAN AT LUNGSOD SA CAGAYAN, PATULOY NA TUMATAAS

Patuloy na tumataas ang antas ng vaccine rollout sa mga bayan at lungsod sa Cagayan base sa pinakahuling pahayag ni Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina III ng Pamahalang Panlalawigan ng Cagayan.
Aniya, ang 1st dose ng mga nabakunahan ngayon sa Cagayan ay nasa 63% habang ang 2nd dose ng nabakunahan ay mabagal ang usad nito dahil sa nasa isang buwan ang pagbibigay dito kayat nasa 38% lamang.
Sinabi niya na mula sa dati na 91% sa 1st dose ay umakyat sa 94% ang bayan ng Sanchez Mira at Lal-lo.
Tumaas rin sa 85% mula sa 43% ang Claveria, Sta. Praxedes-85%, Gonzaga-82%, Rizal-81%, Abulug-75%, Tuguegarao City-74%, Sta. Teresita-71% at Tuao-70%.
Nasa 60-66% naman ang Enrile, Baggao, Amulung, Allacapan, Camalaniugan, Gattaran, Buguey at Piat.
Kabilang sa hanay ng 50- 59% ang Iguig, Pamplona, Lasam,Solana, Aparri at Sta. Ana. Dumagdag rin ng porsyento o nasa linya ng 40-49% ang Calayan, Alcala, Ballesteros, Penablanca at Sto. Nino.
Giit pa ni Dr. Cortina na hindi dapat namimili ng vaccine ang mga tao, bagkus ay magpabakuna habang mayroong vaccine.
Maliban sa mga munisipyo na nagsasagawa ng pagbabakuna ay bukas ng 24/7 ang lahat ng district hospital ng PGC.
Ang PHO ay naunang tumanggap ng mga walk-in na nais maturukan ng vaccine kontra Covid-19 virus.
Maaaring simulan na rin sa mga susunod na araw na maging vaccination site ang Sub-Capitol sa Bangag, Lal-lo.
Matatandaan na target makapagbakuna ng 100 kada araw ang 12 District Hospital at ng PHO vaccination site upang maabot ng Cagayan ang 19,000 na mababakunahan sa isang araw. Bunsod rin ito sa kagustuhan ni Gov. Manuel Mamba na bilisan ang pagbabakuna sa lalawigan.
(Susan L. Mapa)

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North