
Agad po Tayong Nagbigay ng Ayudang Pagkain
Agad po tayong nagbigay ng ayudang pagkain (bigas, de lata at noodles) sa pamamagitan ng ating Municipal Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni Mr. Joseph A. Villanueva bilang pangunahing tulong sa mga apektado nating kababayan na lumikas sa mga evacuation centers dahil sa nararanasang baha at malakas na pag-ulan.
Tuluy-tuloy po ang isinasagawang koordinasyon at monitoring ng ating mga emergency and frontline service offices sampo ng kanilang mga staff/personnel na 24/7 na nakaantabay at nakabantay upang agarang makapagbigay tulong at handang umalalay sa ating mga kababayan.
Ibayong pag-iingat po para sa ating lahat!