4th Quarter Social Pension Payout

4th Quarter Social Pension Payout sa Bayan ng Claveria Pinangunahan ni Mayor Lucille Angelus Guillen-Yapo
Personal na dumalo sa unang araw ng 4th Quarter Social Pension Payout ang butihing alkalde ng bayan pagkatapos nang isinagawang courtesy call ng mga masisipag na empleyado ng Department of Social Welfare and Development Office na sina Ms. Wilma Asistores, Ms. Encarnacion Narag
Ms. Lilibeth Dulin, Ms. Francisca Melad, Ms. Aileen Muñoz at Mr. Lean Paul Andrei Aquino sa kanyang opisina.
Agad na nagtungo ang pangkat (DSWD, MSWD at Office of the Mayor) sa mga Barangays upang ihatid ang nasabing programa para sa mga kwalipikadong senior citizens.
Pasasalamat ang ibinigay ni Mayor Yapo sa pamunuan ng DSWD sa lahat ng programa na kanilang ibinababa sa LGU na lubos na nakatutulong lalo na sa sektor ng senior citizens.
Sa kabilang dako, ipinahayag din ng alkalde ang isang daang porsyentong suporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga minamahal na Lolo at Lola sa bayan at tiniyak na maglulunsad pa ng mas maraming magagandang programa upang higit na makatulong sa mga nakatatanda. #

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North