3 BUS COMPANIES SA CAGAYAN, PINAYAGAN NANG BUMIYAHE NG LTFRB RO2


Pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 02 sa pagbabalik-operasyon ang tatlong bus companies sa Cagayan simula kahapon.
Ito ay kinabibilangan ng Florida, Victory at 5-Star bus.
Nagtalaga naman ang LTFRB R02 ng QR Code sa bawat operator kabilang na ang APPS mula sa LTFRB para ma-monitor ang pagbiyahe ng mga nasabing operators.
Ayon kay Director Edward Cabase na point-to-point ang biyahe at mahigpit na ipinagbabawal ang pagbaba at pagsakay ng mga pasahero sa anumang parte ng Provincial Route.
Mayroon naman umanong itinalagang mga stopover points at terminal kung saan huling titigil ang mga pampasaherong sasakyan.
Wala rin umanong taas-pasahe at mananatili sa P1.75 ang bawat kilometrong singil.
Ang mga pasahero na ‘fully vaccinated’ ay kailangan lamang magpakita ng COVID-19 Vaccination Card habang ang mga hindi pa kumpleto ang bakuna ay kinakailangan pa rin magpakita ng antigen test result na valid sa loob ng 72 hours.
Sa ngayon ay 70% muna ang pinapayagang kapasidad sa mga sasakyan at maaring madagdagan pa ito nakadepende sa resulta ng 3-day national vaccination kontra Covid-19.
Muli ring ipinaalala ng Director na ang mga lalabag sa protocol at guidelines na inilabas ng Inter Agency Task Force (IATF) ay mapapatawan ng kaukulang parusa.
(BERNADETH HERALDE)

Municipality of Claveria, Cagayan


Copyright © 2017. Municipality of Claveria, Province of Cagayan. All rights reserved 2017.
Official Website of Claveria Municipality, Province of Cagayan North