Inspeksyon sa Claveria Port sa Cagayan (MARCH 9, 2019)

TINGNAN: Ngayong araw ng Sabado, ika-9 ng Marso, nagsagawa ng inspeksyon si DOTr Secretary Arthur Tugade, kasama sina PPA General Manager Jay Santiago, Claveria Mayor Celia Layus at iba pang opisyal ng DOTr sa Claveria Port sa Cagayan.

Ang Claveria Port ay sinimulang itayo noong November 2017 ngunit malubha itong nasira noong nanalanta ang Bagyong Ompong at Rosita noong nakaraang taon.

Sa pakikipag-usap ni Secretary Tugade, nangako ang port engineer na makukumpleto ang konstruksyon ng Claveria Port bago matapos ang taong 2019.

Kasalukuyan ding itinatayo ang passenger terminal building ng Claveria Port, at inaasahang matatapos ito sa June 2019.

#DOTrPH 🇵🇭
#MaritimeSectorWorks
#ComfortableLifeForAll
#PartnerForChange